HOME  /  THE AUTHOR  /  POETRY  /  STORIES

Wednesday, March 27, 2013

Now Showing

First of all, heaps of thanks to Estee Joy for giving me the ideas. Without her, I must be still on the second paragraph. Second of all, I hope that our Lit 1 teacher wouldn't see this. Third of all, this is written in Filipino, an "essay" we were asked to reflect on a certain story. I've chosen Bangkang Papel by Genoveva Edroza-Matute. Lastly, it was a hard time gathering some thoughts since it's been years since I last attended a Filipino class.

Here it goes.


And by the way, we were also asked to take a picture based
on our reflection of the story. This is my cousin.


Ika’y nakaupo sa isang madilim na silid. Hawak-hawak mo ang mainit-init pang popcorn na binili sa labas. Maaaninagan mo pa rin ang dalawang magkasintahan na tila’y naghahalikan kahit nangangapa na ang iyong mga paa at naghahanap ng pinakakomportableng apakan.

Biglang dumagundong ang tunog. Alingawngaw. Nakakahanga talaga ang mala-Dolby Theater na sinehang ito. Sa bagay, pumalo ba naman sa limang daang piso ang bayad.

Ayan na! Ayan na ang palabas. Medyo uminit na rin ang puwit mo sa kahabaan ng advertisements.

Mga matang nangungusap. Mga pilik-matang nakatiklop sa nakaumbok na talukap. Mga matang nagmamasid. Mga matang may nakikita. Mga matang pilit bumubulong. Nalilito. Hindi alam kung tatakpan ba ang mga mata o hindi. Nagmasid. Kaliwa. Kanan. Mukhang nasisiyahan naman sila.

Bata! Bata! Mukhang ikaw din yata ang bida? Kasama mo pa sina Christine Reyes at Zanjoe Marudo. Ba’t ka nandiyan? ‘Di ba dapat nasa upuan ka lang at nanunuod? O, ayan! Kumalat na tuloy ang popcorn mo. Pasayin mo na sila, tutal, nandiyan ka na rin. Kilitiin mo sarili mo! Ikendeng mo ang makitid mong balakang! Maghubad ka! Basta, gawin mo lahat para mapasaya ang mga nanonood. Nandiyan ka na eh!

Sandali lang! Parang namumukhaan mo yata ang isa sa mga nanonood. Siya yung palaging binibilog ang kulangot tapos pinapahid sa ilalim ng upuan! Pero mas mataas siya sa’yo sa spelling quiz kahapon. Huwag mo nang intindihin. Wala rin naman siyang kaibigan. Wala siyang may pagsasabihan.

Ang buhay ay isang malaking sinehan, at maraming mga mata ang nakatutok sa mga pelikulang tayo rin mismo ang bida. Tayo rin ang magpapasaya sa pamamagitan ng kung anong palabas ang ating ipapakita. Maaari natin silang paiyakin, patawahin, padirihin, at kung anu-ano pa. Ang hindi lamang natin hawak ay kung sinu-sino ang nanonood sa atin. Maraming musmos ang nakasubaybay sa ating palabas. Mga musmos na nagiging biktima ng maling palabas.


Have you read the story, too? Any thoughts? J

No comments:

Post a Comment